PAOCC, magsasampa ng kasong kidnapping at serious illegal detention sa mga sangkot sa POGO sa Porac, Pampanga

Maghahain bukas ng reklamong kidnapping at serious illegal detention ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) laban sa mga sangkot sa iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) Hub sa Porac, Pampanga.

Ayon kay PAOCC Usec. Gilbert Cruz, kapag matapos nila ang mga kailangang dokumento ay ihahain nila ang mga kaso sa Department of Justice (DOJ).

Sinabi naman ni PAOCC Spokesperson Winston Casio na sa ngayon ay mayroon na silang 12 mga tukoy na indibidwal na nasa likod ng gawaing may kinalaman sa human-trafficking, torture, illegal detention, prostitusyon at iba pa.


Dagdag pa ni Casio, maghahain din sa korte ang PAOCC ng “motion to break open” para mabuksan ang nasa 53 vaults sa loob ng POGO hub.

Aniya, hindi nila pwedeng basta na lamang buksan ang mga vault na walang pahintulot sa korte at kailangan na kasama rin ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) para sa transparency.

Mag-a-apply naman ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng “warrant to examine computer data” para masilip ang nilalaman ng mga computer.

Facebook Comments