PAOCC, mahigpit na tinututukan ang 58 na POGO hub sa bansa; scam farms, talamak na rin sa Palawan, Visayas at Mindanao

Inihayag ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na nasa 58 na scam farms pa sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang tinututukan ng pamahalaan.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni PAOCC Spokesperson Winston John Casio na karamihan sa mga ito ay nasa Metro Manila at Central Luzon.

Bukod dito, talamak na rin ang pag-ooperate sa Palawan, Visayas at Mindanao.


Batay rin sa pinakahuling datos mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), 402 ang nakanselado na ang lisensya kaya nagpalit ang mga ito ng operasyon at naging scam farms.

Umabot na rin sa libo-libong computers, laptops, desktops at cellphones ang nasamsam ng PAOCC sa mga POGO hub na inabandona ng mga Chinese na nagpapatakbo sa scam farm kaya makakabuo na ang PAOCC ng magandang kaso laban sa mga sindikato.

Facebook Comments