PAOCC, nagisa ng ilang senador dahil sa maling impormasyon tungkol sa namataang si Alice Guo sa isang resort sa Zambales

Nakatikim ng sermon sa mga senador ang mga opisyal ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) matapos na malaman sa pagdinig ng Senado na kamukha lamang pala ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ang namataan sa Emon Pulo resort sa Zambales.

Kinwestyon nina Senators JV Ejercito at Joel Villanueva kung bakit naglalabas ng hindi beripikadong impormasyon ang mga taga-PAOCC.

Tanong ni Ejercito sa PAOCC, bakit sila gumagawa ng storya kung sa huli ay babawiin lang din pala at hindi naman sigurado.


Iginiit ni Ejercito na kapabayaan ito sa parte ng ahensya sa pagalam ng katotohanan kaya naman pinayuhan niya ang PAOCC na magingat sa susunod lalo’t nasa ilalim sila ng tanggapan ng pangulo.

Pinagsabihan ni Villanueva ang PAOCC na kung nalaman na sana noon pa na hindi si Alice Guo ang namataan sa resort, hindi sana lalaki ang danyos na tinatamasa ng mayari nito.

Humingi naman ng paumanhin si PAOCC Spokesperson Winston Casio kay Raymond Ronquillo, ang resort owner, at nagpaliwanag na hindi nila batid noong una na nagsagawa na pala ng hiwalay na pagsiyasat ang Philippine National Police (PNP) at ang kanilang operasyon ay batay lang sa impormasyon na ibinigay ng Bureau of Immigration (BI).

Facebook Comments