PAOCC, nagkamali sa umano’y sightings ni Alice Guo sa isang beach resort

Mistulang na “wow mali” ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa sinasabing “sightings” ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Emon Pulo beach resort noong July 14.

Sa pagdinig ng Subcommittee on Justice, humarap ang owner ng Emon Pulo na si Raymond Ronquillo at pinasinungalingan niya ang report ng PAOCC na nakita sa kanyang beach resort si Alice Guo noong Hulyo.

Ayon kay Ronquillo, tumawag sa kanya noong August 1 ang Philippine National Police (PNP) Region 3 para tanungin tungkol sa “sightings” umano ni Alice Guo sa kaniyang resort at agad niyang sinamahan ang mga pulis para makita kung naroroon nga ang kanilang hinahanap na dating alkalde.


Ipinakita rin ni Ronquillo ang larawan ng frontdesk sa resort kung saan kahawig nga nito ang alkalde at aniya posibleng ito ang napagbintangan na si Alice Guo.

Masama ang loob ng resort owner dahil sa mali-maling impormasyon na ini-report ng PAOCC kung saan nasisira ang pangalan ng kaniyang negosyo.

Kinumpirma naman ni Ronquillo na minsang nagtungo si Alice Guo at ang mga kasama nito sa Emon Pulo pero ito ay noong March 2023 pa at hindi ngayong taon.

Aabot aniya sa mahigit 20 ang kampo ni Guo na nag-unwind at nagbakasyon sa lugar sakay ng helicopter na dalawa o tatlong beses na nag-landing sa kaniyang resort.

Handa naman ang may-ari na magbigay ng kopya ng mga CCTVs noong July 14 para patunayang walang Alice Guo na namasyal sa kanilang resort.

Facebook Comments