PAOCC, pinakikilos at dapat manguna sa mga kaso ng kidnapping sa bansa

Pinakikilos ng ilang senador ang Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) para tumulong sa Philippine National Police (PNP) na tugisin ang nasa likod ng mga kidnapping cases sa bansa kung saan pinakahuli rito ang Filipino-Chinese businessman na si Anson Que at ang driver nito.

Giit ni Senate President pro-tempore Jinggoy Estrada, kung hindi agad maaaksyunan ang mga kidnapping ay magiging banta ito hindi lang sa kaligtasan ng publiko kundi pati na rin sa pagnenegosyo at sa reputasyon ng bansa sa international community.

Naniniwala si Estrada sa kakayahan ni Usec. Gilbert Cruz na noon ay nagsilbi sa Presidential Anti-Crime Commission (PACC) at matagumpay na na-neutralize ang mga notorious na kidnap-for-ransom groups tulad ng Kuratong Baleleng at Red Scorpion Gang.

Para naman kay Senator Joel Villanueva, ang PAOCC ang dapat na manguna sa pagresolba ng mga kaso ng kidnapping dahil mayroon nang track record ang PAOCC sa pagpapabagsak ng mga major criminal syndicates.

Dagdag pa niya, dapat itong magsilbing wake up call sa PNP para paigtingin pa ang pagbabantay at gumawa ng mga aksyon upang matiyak ang kaligtasan ng lahat sa ating bansa.

Facebook Comments