PAOCC: PNP-ACG Spokesperson PCapt. Michelle Sabino, dapat mapatawan ng gag order

Inirekomenda ng Presidential Anti Organized Crime Commission na patawan ng gag order si Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) Spokesperson PCapt. Michelle Sabino.

Ito ang sinabi ni PAOCC Usec. Gilbert Cruz kasunod ng paglabas ng isang vlogger sa Facebook live sa gitna ng operasyon ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP ACG) sa Makati city kamakailan.

Ayon kay Cruz, tahasang paglabag sa data privacy act ang ginawa ng vlogger na si Rendon Labador.


Dismayado rin si Cruz dahil wala naman sa usapan nila na magsama ng vlogger.

Una nang sinabi ng PNP na hindi nila palalagpasin ang kontrobersyal na operasyong ito ng ACG at maglalabas din sila ng direktiba at gagawa ng mga hakbang upang maiwasan ang kahalintulad na insidente.

Sa nasabing Facebook live ni Rendon Labador pinakita nito ang mukha ng mga empleyado ng sinalakay na lending company na paglabag sa data privacy act.

Facebook Comments