PAOCC, tiniyak na patuloy ang pagtunton ng mga awtoridad kay Porac Mayor Capil para magsilbi ng warrant of arrest

Tiniyak ng Presidential Anti- Organized Crime Commission na patuloy ang pag-locate ng mga wtoridad kay Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil.

Ito ay para magsilbi ng warrant of arrest kay Capil dahil sa pagkakasangkot nito sa illegal POGO operations.

Ito ang naging pahayag ng PAOCC ay matapos na hindi maabutan ng Porac police, PAOCC at PNP-CIDG sa kanyang tahanan si Capil.

Bigo rin ang mga awtoridad na matagpuan ang alkalde sa kanyang tanggapan sa munisipyo.

Una nang naglabas ang Regional Trial Court (RTC) – National Capital Judicial Region (NCJR) Branch 265 sa Pasig City ng  warrant  arrest laban kay Capil  dahil sa kasong seven counts ng graft may kaugnayan sa operasyon ng  online scam hub na Lucky South 99 sa Porac.

Facebook Comments