PAOCC, tiwalang hindi China ang planong destinasyon ni dismissed Bamban Tarlac Alice Guo

Naniniwala ang Presidential Anti Organized Crime Commission na hindi sa China ang planong destinasyon ni dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo nang pumuslit palabas ng bansa.

Sa Saturday News Forum, sinabi ni PAOCC Spokesperson Winston Casio na posibleng sa Golden Triangle destinasyon ni Guo na binubuo ng Cambodia, Laos, at Myanmar.

Paliwanag ni Casio na kung saan mayroong “Business Interest” ang pamilya ni Guo kabilang na ang ilegal gambling.


Aminado ang PAOCC na pahirapan ang paghuli kay Guo dahil wala pa itong kaso at Warrant of Arrest.

Naniniwala naman ang PAOCC na si Guo ay nasa Indonesia pa ang nagre-request na rin ang bansa ng “Blue Notice” sa Interpol para sa lokasyon at atkibidad ni Guo.

Facebook Comments