Paolo Ballesteros, muling hinangaan sa pag-transform nito bilang si "Cartolinang Gray"

Manila, Philippines – Muling hinangaan ng mga netizens ang TV host/actor na si Paolo Ballesteros matapos nitong mag-transform bilang si “Cartolinang Gray”.

Tulad ng kaniyang promise, ginaya nga ni Paolo si 2018 Miss Universe Catriona Gray kung saan ikinatuwa ito ng kaniyang mga fans at naging usap-usapan din sa social media.

Mismong araw ng Pasko ginawa ni Paolo ang transformation at hindi nito binigo ang kanyang mga taga-hanga saka sinabing ginawa niya ito bilang regalo.


Matatandaan na unang mag-transform si Paolo B bilang si Miss Universe Spain Angela Ponce kamakailan kaya at marami ang naghintay para sa kanyang makeup transformation bilang si Catriona.

Facebook Comments