Paolo Contis, namataang may ka-holding hands

Naiintriga ngayon ang mga netizen kung in a relationship nga ba ulit ang aktor na si Paolo Contis.

Ito ay matapos namataan si Paolo na ka-holding hands habang naglalakad kasama ang isang mysterious girl sa isang kalye sa Manaoag Church sa Pangasinan.

Spotted din ang dalawa na sweet na sweet sa isang kainan sa Baguio City.


Matatandaang, September 1 nang kumpirmahin ni LJ Reyes ang tungkol sa hiwalayan nila ni Paolo sa pamamagitan ng interview kay Boy Abunda.

Nananatili namang tikom ang bibig ni Paolo tungkol sa isyu at sinabing ang tanging alam lamang daw niya ay nasa New York, USA na ang mag-iina.

Facebook Comments