Paolo Duterte, pinabulaanang tumatanggap siya ng payoff mula sa drug syndicate

Itinanggi ni dating Davao City Vice Mayor Paolo “Pulong” Duterte ang kumakalat na video sa social media ng isang lalaki na nagdadawit sa kaniya sa mga sindikato ng droga.

Batay sa video, isang nagpakilalang “Bikoy,” hindi raw niya tunay na pangalan ang nagpaliwanag sa umano’y koneksyon ni Paolo sa sindikato.

Ayon kay Bikoy, dati raw siyang nagtatrabaho sa isang sindikato na may kaugnayan sa droga.


Mayroon din narrator sa video na may pamagat na “ang totoong narcolist” at nagpapaliwanag din tungkol umano sa operasyon at “tara” ng sindikato.

Pero giit ni Paolo, gawa-gawa lang ang mga paratang laban sa kaniya.

Tila may hinala rin siya kung sino ang nasa likod ng naturang video.

Facebook Comments