Paolo Duterte, tinanggap bilang miyembro ng Nat’l Unity Party

Tinanggap ng National Unity Party (NUP) si Presidential son, Davao City Representative Paolo Duterte bilang miyembro ng kanilang grupo.

Ang NUP ay isang major political party at kasalukuyang pinamumunuan ni Ronaldo Puno, dating kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Ayon kay NUP Deputy Speaker Roberto Puno – in-adopt nila si Congressman Duterte sa kanilang grupo.


Sa ngayon, hindi miyembro ng anumang national political party si Pulong subalit presidente siya ng Hugpong ng Tawong Lungsod, sister party ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) ng kapatid na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Facebook Comments