Manila, Philippines – Ikinalugod ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpirma ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng Government Service and Insurance System (GSIS) at Department of Education (DepEd) na pagaanin ang pagbabayad ng loan ng mga guro at DepEd personnel mula sa private lenders.
Ayon sa Pangulo – natutuwa siya dahil makakatulong ito na mapagaan ang pasanin ng mga guro.
Sa isang statement, sinabi ni GSIS President at General Manager Jesus Clint Aranas – ang mga loan ay nagpahirap sa kakayahan ng mga guro na tugunan ang kanilang obligasyon kabilang na ang pagbabayad ng kanilang buwanang GSIS premiums at contribution.
Ayaw aniya nilang mabaon sa utang ang mga empleyado ng DepEd kaya nagbigay sila ng madaling paraan na makapagpayad sila ng maayos sa kanilang mga loan.
Ang qualified borrower’s ay maaring makapangutang ng 500,000 pesos sa kondisyong hindi bababa sa 5,000 pesos ang kanilang take home pay.