PAPALIT | Kapalit ni resigned Vice Mayor Paolo Duterte, hindi maaring pinipili lamang – DILG

Manila, Philippines – Nilinaw ng DILG na hindi pinahihintulutan ng Local Government code na mamili ng kung sinong puwedeng ipalit sa nag resign na si Paolo Duterte ng Davao City.

Tugon ito ng DILG sa maugong na may tatlong personalidad ang matunog na ipapalit sa nakababatang Duterte.

Ayon kay Warlito Daus,DILG Consultant for Public Safety, ang first councilor ang dapat na hahalili kay Duterte alinsunod sa tinatawag na law on succession.


Pinapayagan lamang aniya ang pagpili ng iba pa kung ang susunod sa line of succession ay namatay.

Dito aniya puwedeng hanapan ng kapalit na maaring manggaling sa kapamilya ng namayapang lingkod bayan.

Facebook Comments