Papalit sa yumaong CPP Founding Chairman na si Joma Sison, tiyak na mahihirapan – senador

Tiyak umanong mahihirapan ang papalit sa yumaong founding chairman ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Ito ang iginiit ni Public Order and Dangerous Drugs Committee Chairman Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa pagkasawi ni CPP Founding Chairman Jose Maria Sison na limang dekada ring nanguna sa itinatag nitong revolutionary organization kasama ang armadong grupong NPA at political arm na National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Naniniwala si Dela Rosa na sinuman ang maitatalagang kapalit na chairman ng CPP ay tiyak na sobrang mahihirapan sa pagbuhay muli ng tinawag niyang “fake cause” o pekeng ipinaglalaban.


Umapela naman si Senator Francis Tolentino sa sinomang papalit kay Sison na maunawaan sana na ang gusto lang ng gobyerno ay kapayapaan at kaunlaran.

Sigurado rin aniya na magbubukas ito ng bagong pahina para sa samahan.

Nagpaabot naman si Tolentino ng pakikiramay sa pamilyang naiwan ni Sison.

Facebook Comments