PAPALITAN | Military Rank sa mga pulis, hindi kailangan – Senator Honasan

Manila, Philippines – Walang nakikitang pangangailangan si Senator Gringo Honasan para bigyan ng military rank ang mga pulis.

Tugon ito ni Honasan sa panukala ni Antipolo City Representative Romeo Acop na isunod sa ranggo ng miltar ang Philippine National Police o PNP.

Ayon kay Honasan, na dati ring military colonel, ginamit na sa maraming taon ang kasalukuyang ranggo ng mga pulis at nakasanayan na ito ng publiko.


Bukod kay Honasan, ay nauna na ring nagpahayag ng pagkontra sa nabanggit na panukala si Senator Panfilo Ping Lacson na naglingkod din bilang dating hepe ng PNP.

Facebook Comments