PAPALITAN? | Pagbuwag sa Customs, itinutulak ng isang Kongresista

Manila, Philippines – Muling isinusulong sa Mababang Kapulungan ang pagbuwag sa Bureau of Customs at palitan ito ng bagong ahensya.

Layunin ng House Bll 7126 na inihain ni Deputy Speaker Fredenil Castro na wakasan ang talamak na kultura ng korapsyon sa BOC.

Papalitan ang BOC ng Customs Development Authority o CDA kung saan pangungunahan ng Secretary of Finance ang Board of Directors ng CDA bilang Chairperson.


Magkakaroon din ng isang General Manager bilang vice chairperson, kasama rin ang Commissioner ng Internal Revenue, Director General ng NEDA, kalihim ng DTI, DPWH, DENR at isang representative ng pribadong sektor na itatalaga ng Pangulo.

Maari namang mag outsources o isapribado ang ilang administrative functions ng CDA pero kailangan pa rin na dumaan sa proseso ng public bidding.

Sa pamamagitan rin anya ng pagpapalit sa BOC, maisusulong ang kumpetisyon at mahihikayat rin ang partisipasyon ng pribadong sektor sa operasyon ng Customs.

Facebook Comments