PAPALITAN | Slogan ng DOT na “It’s more fun in the Philippines”, posibleng mapalitan na

Manila, Philippines – Posibleng mapalitan na sa susunod na taon ang ‘It’s more fun in the Philippines‘ slogan ng Department of Tourism (DOT).

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat – target ng campaign rebranding na makuha ang pansin ng kasalukuyang henerasyon.

Maliban aniya sa tourist spots, nais ng DOT na palakasin ang promotion ng mga pagkain, mga magagandang asal ng mga Pilipinas.


Tiniyak naman ng kalihim na hindi makakaapekto ang plano sa industriya ng turismo.

Ang nabanggit na slogan ay mula pa noong 2012 ginagamit.

Facebook Comments