Manila, Philippines – Inirekomenda ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na palitan ang huling linya sa pambansang awit na “Lupang Hinirang.”
Sa deliberasyon ng Senado hingil sa panuklang dagdagan ang sinag ng araw ng watawat ng Pilipinas, inihayag ni Sotto na tila nagpapahiwatig ng pagiging defeatist o pagtanggap agad ng pagkatalo ang huling dalawang linya ng pambansang awit
Ayon kay Sotto, naisip niyang palitan ang “ang mamatay nang dahil sa ‘yo” nang “ang ipaglaban ang kalayaan mo”.
Nilinaw naman ni Sotto na hindi niya ipinipilit na agad na pagpapalit sa nasabing bahagi ng pambansang awit pero umaasa aniya siyang ikonsidera ito.
Bukas naman rito si Senador Richard Gordon na siyang may-akda ng panukalang dagdagan ang sinag ng araw sa watawat.
Sabi ni Gordon, maghahain siya ng hiwalay na panukalang batas para sa mungkahi ni Sotto.