Manila, Philippines* – *Posibleng pumalo sa 6.8% ang inflation rate o mabilis na pagtaas ng presyo ng bilihin ngayong Setyembre.
Ito ay base ito sa pagtaya ng economic research department ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Nasa 6.3% hanggang 7.1% ang range ng inflation.
Kabilang sa mga dahilan ay ang mataas na presyo ng produktong petrolyo, bigas at iba pang produktong pang-agrikultura.
Kasama rin sa dahilan ay ang pagbaba ng halaga ng piso.
Nitong Agosto lang ay pumalo sa 6.4% ng inlfation rate na pinakamataas sa loob ng halos siyam na taon.
Facebook Comments