PAPANAGUTIN | Lalaki sa viral video na nakitang pinagpapalo ang isang aso hanggang mamatay, tinutugis na ng Muntinlupa-PNP

Muntinlupa – Tinutugis na ng Muntinlupa-PNP ang lalaki sa viral video na
nakuhanang pinagpapalo ang alagang aso ng kanyang kapitbahay hanggang sa
mamatay.

Kwento ni Redge Espenilla, owner ng asong si Seven – nagalit raw ang suspek
na si Michael Bobby Potot Jr., alyas Jay-R dahil hinabol daw nito ang
kanyang anak.

Pero ayon sa kanilang mga kapitbahay, hindi naman daw hinabol kundi
tinahulan lang aso ang bata.


Nabatid na lasing ang suspek nang paghahampasin nito ng kahoy ang aso.

Sabi pa ni Espenilla, hindi niya maawat ang suspek dahil buntis siya habang
natatakot naman ang mga kapitbahay nila na baka mapagbalingan sila ng galit
ni Jay-R.

Sinampahan na ang suspek ng reklamong paglabag sa R.A. 8485 o Animal
Welfare Act of 1998.

Maaaring maharap si Jay-R sa hanggang dalawang taong pagkakakulong at
multang P100,000.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments