PAPANGALANAN? | 91 elected officials kabilang ang ilang mambabatas, kasama sa narco list ng PDEA

Manila, Philippines – Handa ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na pangalanan ang 91 halal na opisyal kasama ang anim hanggang pitong kongresista na nasa narco list.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, isa sa mga kongresista ay mula sa Region III, at mayroon ding isang vice governor sa listahan.

Aniya, hihintayin pa niya ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte bago niya isapubliko ang pangalan ng mga opisyal.


Sabi ni Aquino, inaasahan na matatapos na ang re-validation sa narco list sa loob ng dalawang linggo.

Dagdag pa ni Aquino, sa mahigit 200 barangay officials na nasa narco list 70 sa kanila ang nanalo pa rin sa nakaraang barangay elections.

Matatandaang Abril nang ilabas ng PDEA ang listahan ng mga barangay officials na sangkot umano sa droga.

Facebook Comments