Manila, Philippines – Malaki ang tyansang pangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga telecommunications company na gustong pumasok sa bansa sa kanyang State of the Nation Address o SONA sa July 23.
Sabi ni Department of Information and Communications Technology Officer in Charge Eliseo Rio, ilalabas na ngayong Mayo ang terms of reference para masimulan na kaagad ang bidding process bago ang SONA ng Pangulo.
Dalawang buwan lamang aniya ang ibibigay na palugit sa mga interesadong kumpanya para magsumite ng kanilang bid.
Samantala, inamin din ni Rio na imposible na nilang maabot ang itinakdang deadline ni Pangulong Duterte sa Marso para makapag-operate ang ikatlong telco.
Facebook Comments