PAPANGALANAN NA | PDEA, ilalabas na ang narco list

Manila, Philippines – Ilalabas na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang narco list sa May 1.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, nasa 211 barangay officials na dawit sa kalakalan ng ilegal na droga ang kanilang naberipika.

Kabilang sa mga ito ay mga drug users at pushers pero karamihan ay protektor ng droga.


Mula sa 211 barangay officials, 80 ay barangay chairpersons habang ang natitira ay kagawad.

Facebook Comments