PAPANGALANAN NA | PDEA, nakatakdang isapubliko ang ‘narco list’

Manila, Philippines – Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglalabas ng narco list.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, nakatanggap na sila ng tawag mula sa Malacañang kung saan inaatasan na silang isapubliko ngayong linggo ang pangalan ng nasa 211 incumbent barangay officials na nauugnay sa ilegal na droga.

Si Special Assistant to the President Bong Go aniya ang tumawag sa kanya.


Umaasa si Aquino na makatutulong ang paglalahad ng mga narco officials sa matalinong pagboto ng publiko sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Kabilang sa narco list ang nasa 89 na barangay chairmen at 122 kagawad.

Facebook Comments