PAPANGUNAHAN | Mga pastor at pari ng PNP Chaplain Service inatasang manguna sa internal cleansing program ng PNP

Manila, Philippines – Iniutos ni PNP Chief Police Director Oscar Albayalde sa PNP Chaplain Service ang pangunguna sa pagsasagawa ng internal cleansing sa hanay ng pambansang pulisya.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Senior Superintendent Benigno Durana partikular na pinapatutukan ni General Albayalde sa mga pastor at pari ng PNP Chaplain Service ay moral at spiritual reformation ng mga pulis.

Hinikayat aniya ni Albalyalde ang pamunuan ng PNP Chaplain Service na makipag-ugnayan sa lahat ng simbahan at para churches organization sa buong bansa para makiisa sa internal cleansing program.


Nilinaw rin aniya ni Albayalde na ang internal cleansing program sa PNP ay hindi upang bigyan lang ng parusa ang mga tiwaling pulis sa halip maibalik ang moral at values ng mga tiwaling pulis.

Idinagdag pa ni Durana na sinabi ni General Albayalde na anuman ang relihiyon o paniniwala ng bawat pulis iisang Dyos lang ang ating sinasamba at paglapit o pagkakaroon ng relasyon sa Panginoon ang sikreto sa pagiging matagumpay sa buhay.

Facebook Comments