Manila, Philippines – “Showbiz can be rude. Sometimes you just have to fight back especially when you think you have a point.”
Ito ang naging reaksyon ng King of Soul na si Janno Gibbs hinggil sa kanyang hinaing sa kakulangan ng proyekto sa isang network at hindi pagkakasali sa Kapamilya Christmas station ID.
September 12 ng taong kasalukuyan nang pumirma ng kontrata si Janno sa Star Music, ang record label ng ABS-CBN.
Kahapon, November 18, Linggo, sa pamamagitan ng instagram, nagpatutsada ang 49-anyos na singer-comedian dahil sa hindi pagsama sa kanya sa Christmas station ID.
Ang nasabing post ni Janno ay umani naman ng kaliwat kanang reaksyon.
Pero say ng singer, hindi siya humihingi ng awa o nagpapapansin.
Gusto lang daw niya ipaliwanag sa iba na nagtatanong kung bakit wala pa siyang proyekto sa nasabing network.