PAPANSIN LANG? | Pagdaong ng Chinese Vessel sa Davao Port, papansinin lamang ng mga galit sa China – ayon sa Malacañang

Manila, Philippines – Walang nakikitang mali at masama ang Palasyo ng Malacañang sa pagdaong ng Chinese survey Ship sa Sasa warf sa Davao City.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, lahat ng barko ng ibatibang kaalyadong bansa ay welcome naman na dumaong sa Pilipinas.

Tulad aniya ng US Warships ay maaari namang dumaong ang Chinese Survey Ship sa mga pantalan.


Sinabi ni Roque na ang mga may Sinophobia o ang mga tao na galit sa China ang may nakikitang mali sa normal namang pagdaong ng chinese ship sa Pantalan sa Bansa.

Matatandaan na bukod sa pagdaong ng barko ay pinuna din ng ilang kritiko ng administrasyon ang paglapag ng eroplano ng China sa Davao international airport na ang pakay lamang ay mag refuel patungo sa destinasyon nito.

Facebook Comments