Papasok sa Pasig City mula sa Eastbank Road sa Cainta, Rizal, mahigit dalawang kilometro na ang haba ng trapiko

Inabot ng dalawang kilometro ang haba ng trapiko papunta sa Pasig City dahil sa buhos ng sasakyan na naiipon mula sa Eastbank Road sa Cainta, Rizal.

Nahihirapan ang mga motorista na makalusot sa checkpoint dahil makitid ang daanan papunta ng Pasig kung saan ang trapik mula Legazpi Bridge, inabot ng hanggang lagpas Cambridge katumbas na ito ng mahigit dalawang kilometro ang haba.

Ayon sa mga traffic enforcer, paglagpas sa Cambridge, may hiwalay din na checkpoint ang mga sasakyan na manggagaling naman sa Taytay, Rizal kaya ang nangyayari ay sumikip ang trapik sa Cainta, Rizal.


Ayon naman sa mga motorista sa gitna ng checkpoint, mahigit isang oras na silang naghihintay para maabot ang dulo ng checkpoint kaya nagiging balewala umano ang maaga nilang pagbiyahe dahil hindi nila inaasahan na marami silang makakasabay ng bumabiyahe sa lansangan.

Facebook Comments