Manila, Philippines – Target ng Department of Foreign Affairs (DFA) na makapag-proseso ng 30,000 pasaporte kada araw sa kalagitnaan ng taon.
Ayon kay DFA Secretary Alan Peter Cayetano, makatutulong ito para mapabilis ang Passport Appointment System mula tatlong buwan ay magiging isang buwan na lang. Katuwang ng DFA ang Department of Budget and Management (DBM) sa pagbubukas ng walong bagong opisina, apat na bagong diplomatic post at sampung van sa buong bansa para makapagproseso ng higit pa sa 5,000 pasaporte araw-araw.
Samantala, aabot na sa higit 25,000 passport applicants ang sinerbisyuhan mula nang sinimulan ang Passport On Wheels (POW) noong January 15.
Facebook Comments