Pinaghahanda na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Department of Trade and Industry (DTI) sa paglalatag ng plano para sa papasuking kasunduan sa pagitan ng ibang mga bansa sa usapin ng kalakalan.
Ito ay matapos na ilunsad ang International Trade Forum ng DTI kahapon.
Ayon kay Pangulong Marcos na marami-rami nang pinapasukang kasunduan at treaty ang Pilipinas pinakahuli rito ay ang Regional Comprehensive Economic Partnership o RCEP.
Ayon sa pangulo, pinoproseso na rin ng pamahalaan ang pagpirma sa pagitan ng Korea habang tinatrabaho na rin ang kasunduan din sa European Union at sa Estados Unidos.
Ang pangunahing dahilan aniya nito ay para buksan ang merkado, hindi lamang para makapag-export tayo ng ating mga produkto kundi para makapag-angkat din mula sa treaty partners ng bansa, ibig sabihin aniya ay hindi lamang ito one way trade kundi palitan ng mga produkto.