Manila, Philippines – Papatulan na sana ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hamon noon ni United Nations Human Rights Chief Zeid ra’ad al Hussien na magpasuri sa isang psychiatrist.
Ito ay dahil sa sunod-sunod na pagbatikos ng punong ehekutibo kay un Special Rapporteurs Agnes Callamard.
Sabi ni Pangulong Duterte, pinigilan siya ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na murahin si Zeid dahil kamag-anak umano nito si King Abdullah ng Jordan.
Paliwanag ng Pangulo, ayaw ni Esperon na maantala ang kinukuhang dalawang cobra attack helicopter sa Jordan.
Aniya, pinayuhan siya ni Esperon na tanggapin na lang ang insulto.
Una rito, inanunsyo ng Pangulo na binigyan na ng Jordan ang Pilipinas ng dalawang cobra attack helicopter.
May kamahalan aniya ang helicopter at hindi kayang bilhin ng Pilipinas.