Manila, Philippines – Balak ng pharmaceutical company na Sanofi Pasteur na humiling sa Estados Unidos ng regulatory approval para sa kanilang anti-dengue vaccine na Dengvaxia.
Ito ay sa kabila ng mga kaso ng mga batang Pilipinong hinihinalang namatay matapos maturukan ng nasabing bakuna.
Ayon kay Sanofi Pasteur head David Loew – ang French drug makers vaccines division ay nakapag-comply sa regulations para sa Dengvaxia.
Hindi rin aniya pinagsisisihan ng kumpanya ang paraan kung paano na-develop ang vaccine.
Magdedesiyon ang Sanofi sa loob ng dalawang linggo kung gagawa ng regulatory filing sa US Food and Drug Administration (US-FDA) para sa Dengvaxia.
Facebook Comments