PAPAYAGAN | 24 delisted party list groups, maari pa ring tumakbo sa 2022 elections

Manila, Philippines – Nilinaw ng Commission on Elections (COMELEC) na maari pa ring tumakbo sa 2022 elections ang nasa 24 na party list groups na tinanggal sa listahang makakatakbo sa 2019 elections.

Nabatid na ipinag-utos ng poll body ang delisting sa mga party list groups dahil sa tatlong batayan: kabiguang makasali sa nakaraang dalawang eleksyon; bigong makakuha ng dalawang porsyento ng mga boto para sa party list system; at makakuha ng pwesto sa ikalawang round ng seat allocation.

Ayon kay COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, papayagan silang makatakbo kung makakakuha sila ng bagong registration o accreditation.


Base sa Party List System Act, maaring kanselahin ng COMELEC ang registration ng party list registration base sa mga nabanggit na batayan.

Facebook Comments