Manila, Philippines – Binigyan na ng basbas ng Malacañang ang hiling ni
pork barrel queen Janet Napoles na mailipat siya mula Camp Bagong Diwa
papunta sa kustodiya ng DOJ.
Kasabay nito ang kanyang napipintong pagsasailalim sa witness protection
program.
Ayon sa abogado ni Napoles na si Atty. Stephen David, pinayuhan siya mismo
ni Executive Secretary Salvador Medialdea at Justice Secretary Vitaliano
Aguirre na magsumite ng mosyon sa Korte, sa halip na ipag-utos ng DOJ ang
agarang paglilipat kay Napoles.
Nanindigan naman ang Ombudsman na pumayag man ang palasyo o hindi, mahigpit
pa rin nilang tututulan ang hiling ni Napoles.
<#m_5138341867128460855_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>
Facebook Comments