Manila, Philippines – Ipinauubaya na ng Philippine National Police (PNP) sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang desisyon kung papahintulutang armasan ang mga barangay officials.
Ayon kay PNP Chief, Director General Oscar Albayalde, wala pa kasing polisiya na pumapayag na armasan ang mga opisyal ng barangay.
Aniya, ang tungkulin lamang nila ay ang pagbibigay ng kaukulang permit para payagan ang mga kapitan ng barangay na magbitbit ng firearms sa labas ng kanilang bahay.
Una nang iminungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte na armasan ang mga barangay executives bilang bahagi ng anti-crime operations sa bansa.
Facebook Comments