Papel na isinubo ni Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog – naglalaman ng mga transaksyon sa droga

Manila, Philippines – Mahalagang ebidensiya sa mga sinasabing koneksiyon sa ilegal na droga ng pamilya Parojinog ang hawak na papel ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Ito ang papel na tinangkang isubo ni Vice Mayor Nova Princess Parojinog nang halughugin ang kanilang bahay nuong linggo.

Ayon kay Ozamiz City Police Chief Insp. Jovie Espenido, nakalista sa papel ang mga transaksyon umano sa droga mula Mindanao hanggang Visayas.


Samantala, nakitaan ng sapat na basehan ng Department of Justice
para kasuhan si Nova Princess ng illegal possession of firearms and ammunition at possession of dangerous drugs.

Tatlong counts din ng kaparehong kaso ang isinampa laban sa kapatid nitong si Reynaldo Parojinog. Jr.

Facebook Comments