Marawi City, Philippines – Pinaiimbestigahan ni bayan Muna Rep. Carlo Zarate sa kamara ang papel ng Amerika sa operasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Marawi City.
Sa inihaing resolusyon, nanawagan si Zarate sa Committee on Foreign Affairs at National Defense na magpatawag ng pagdinig para alamain ang suportang ibinibigay ng Estados Unidos sa tropa ng Pilipinas.
Ito ay matapos na makita ang US Special Forces sa conflict zone sa Marawi habang ginagamit ang US spy assets para matukoy ang lokasyon ng mga terorista.
Una nang kinumpirma ng U.S. embassy ang paghingi ng tulong sa kanila ng Pilipinas.
Pero giit ng AFP, hindi naman sumasabak sa bakbakan ang mga Amerikanong sundalo sa halip ay limitado lang sa technical support at intelligence sharing ang tulong na ibinibigay nito.
DZXL558