Papel ng DSWD sa posibleng impact ng La Nina, tinukoy ng DENR sa APMCDRR

Ipinahayag ni Environment Secretary Toni Yulo-Loyzaga sa closing press conference ng Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction na ang mga gawain sa pagpaplano sa disaster risk reduction ay kailangang nakabatay hindi sa mga posibleng mangyari kundi maging ang mga ‘di inaasahan.

Aniya, kung pagbabatayan ang mga makasaysayang karanasan sa epekto ng kalamidad sa bansa, dapat maging handa sa lahat ng oras dahil sa kawalan ng katiyakan sa kakaharaping hamon dulot ng pagbabago ng klima.

Inihalimbawa ni Loyzaga ang papel ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa napipintong impact ng La Niña sa bansa.


Bilang nangungunang ahensya sa response efforts, ang trabaho aniya ng DSWD ay ‘di pagkatapos ng pagtama ng kalamidad.

Dapat na aniyang mag-shift ang tugon ng ahensya sa anticipatory action.

Dapat aniyang maunang makita nito ang mangyayari upang makapaghanda bago ang anumang sakuna o kalamidad.

Facebook Comments