Papel ng Filipino Muslims sa nation-building, kinilala ng liderato ng Kamara

Kinilala at pinuri ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang malaking ambag ng Filipino Muslim community sa pagpapa-unlad ng ating bansa.

Mensahe ito ni Romualdez kaugnay sa naging selebrasyon ng Eid’l Fitr o pagtatapos ng banal na buwan ng Ramadan.

Sabi ni Romualdez, makabubuting yakapin natin ang itinuturo ng Ramadan na pang-unawa, pagsusulong ng pagkakaisa at respeto sa lahat ng pananampalataya at paniniwalang panrelihiyon.


Bunsod nito ay umaasa si Romualdez na ang naging selebrasyon ng Eid’l Fitr ay maghahatid ng kasiyahan, panibagong pag-asa at positibong pananaw para sa hinaharap.

Hinihikayat ni Romualdez ang bawat isa na isabuhay ang magagandang asal at katangian na hatid ng okasyon tulad ng pagmamalasakit sa kapwa, pagtulong, pagkakaisa at paghahatid ng kabutihan sa ating kapwa.

Facebook Comments