Tinalakay sa isang plenary session sa 3rd day ng 2024 Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction (APMCDRR) ang mahalagang papel ng media at social media para sa inclusive at actionable warning messages sa panahong may pagdatal ng kalamidad.
Ayon kay Alfred Mark Rosete, Project Lead ng People in Need, mahalaga ang palagiang paglahok ng lahat ng mamamayan at iba pang mga mahihinang grupo sa pagbuo ng mga sistema ng early warning at disaster risk reduction measures sa pangkabuuan.
Ibinahagi naman ni BBC Media Action Gemma Hayman ang tatlong mga aral tungkol sa media at maagang pagbibigay babala.
Ang media ay maraming gamit pero hindi ginagamit ang buong potensyal nito.
Ang early warning ay hindi laging nagreresulta ng maagang pagkilos kahit na ito ay napakahalaga at napapanahon.
Ang komunikasyon ay isang proseso kaya’t mahalaga na magplano.
Ani Hayman, ang katangian ng impactful na na komunikasyon ay mahalaga lalo na sa konteksto ng pagbabago ng klima at extreme weather.