Aminado ang Deparment of Health (DOH) na marami ang nag-aalangan sa pagtanggap ng mga bagong bakuna kontra COVID-19.
Kaya naman kinilala ni Health Secretary Francisco Duque III ang kritikal na papel ng media para mailabas ang impormasyong gumagana, ligtas at makaliligtas ng buhay ang mga bakuna.
Sa isinagawang media literacy online meeting, ipinunto ni Vaccine Czar Carlito Galvez na kailangan ngayon ng mga Pilipino ng tama, balanse at napapanahong balita at hindi fake news sa tulong na rin ng mga mamamahayag.
Sa panig naman ni DOH Spokesperson Usec. Ma Rosario Vergeire, sinabi nito na ang mga tsismis at maling impormasyon ang sumisira sa tiwala ng publiko sa bakuna.
Sa paglalabas ng DOH ng communication at advocacy campaign nito para sa COVID-19 vaccine, importante ang media na pinagkakatiwalaang source ng impormasyon ng komunidad para mapalawak ang maaabot ng kanilang mensahe.