Pinagtibay sa bayan ng Burgos ang papel ng mga Civil Society Organizations sa pagpapatupad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa pamamagitan ng isinagawang orientation na layong palakasin ang kanilang partisipasyon sa programa.
Isinagawa ang aktibidad sa pangunguna ng 4Ps Municipal Operations Office Burgos, katuwang ang Department of Social Welfare and Development Field Office I at ang lokal na pamahalaan.
Layunin ng orientation na linawin at palawakin ang gampanin ng mga CSO bilang bantay, gabay, kaagapay, at tulay sa implementasyon ng 4Ps upang masigurong maayos na naipatutupad ang programa sa mga benepisyaryong pamilya sa bayan.
Tinalakay rin ng mga kinatawan mula sa 4Ps Provincial Operations Office ang mahahalagang probisyon ng 4Ps Act at mga alituntunin sa Family Development Session.
Labing-isang kinatawan mula sa iba’t ibang Civil Society Organizations ang nakiisa sa orientation bilang bahagi ng pagpapatibay ng ugnayan ng pamahalaan at pribadong sektor sa pagsusulong ng serbisyong panlipunan sa Burgos. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










