Manila, Philippines – Isinulong ni Senator Panfilo Ping Lacson na alisin na sa mandato ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR ang operasyon ng mga casino.
Nakapaloob sa Senate Bill 1471 na inihain ni Lacson na ang pagbibigay na lamang ng permit to operate sa mga pribadong casino at gaming establishments ang magiging pangunahing trabaho ng PAGCOR.
Pero diin ni Lacson, hindi basta-bastang mabibigyan ng permit ang isang aplikante dahil marami itong prosesong pagdadaanan upang matiyak na hindi nagagamit ang negosyo sa mga ilegal na gawain.
Maliwanag din sa panukala ni Lacson na ang lahat ng mga casino at iba pang pasugalan ng pinangangasiwaan ng PAGCOR ay binibigyan ng isang taong palugit para maisapribado.
Ayon sa panukala, lahat ng kikitaain sa nasabing pagsasabribado ay ire-remit sa Bureau of Treasury.
“Ako nag-file ng bill and plano ko idinig ito pag-resume ng session. Yung i-convert ang PAGCOR into a purely regulatory body. Kasi sa ngayon may conflict. Regulatory body na sila, at the same time operator pa sila. So in consultation with PAGCOR itself, ok sa kanila,” ayon kay Senator Lacson.