Binigyang pagkilala ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang mga kasapi ng mga search, rescue, at relief team na nagserbisyo sa kabila ng sunod-sunod na bagyong tumama sa bansa.
Para kay Remulla, bayani ang mga ito sa kanilang sakripisyo para sa bayan.
Pinaplano na rin aniya ang pagbibigay ng posibleng rewards bilang pagkilala sa kanilang paglilingkod at sakripisyo na lampas sa kanilang tungkulin.
Samantala, patuloy na nakikipag-ugnayan ang DILG sa Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), at Philippine Coast Guard (PCG) upang matiyak ang kahandaan ng kanilang mga units sa pagtulong sa mga apektadong probinsya sa pananalasa ng Bagyong Nika at mga paparating pang bagyo sa bansa.