Papel nina dating Pangulong Duterte at VP Sara sa pagtatago ni Quiboloy, pinapa-imbestigahan ng isang kongresista

Iginiit ni Manila Rep. Joel Chua sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno na imbestigahan din ang naging papel ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at anak nitong, si Vice President Sara Duterte, sa tangkang pagtakas sa batas ni Pastor Apollo Quiboloy.

Ipinunto ni Chua ang dating Pangulo ang tumatayo ngayong administrador ng Kingdom of Jesus Christ o KOJC compound kung saan nahuli si Quiboloy.

Tinukoy din ni Chua na mayroong pahayag sa VP Sara na wala na sa KOJC compound sa Davao City si Quiboloy na maaari umanong sinadyang sabihin upang makapanlinlang.


Binigyang diin ni Chua na “No one is above the law”— kaya ang laha, kasama si dating pangulong Duterte at VP Sara, ay dapat nakikipagtulungan sa paghuli sa mga wanted sa batas.

Halimbawa aniya nito si Quiboloy na nahaharap sa kasong child abuse, sexual abuse, at qualified trafficking bukod pa sa mga kasong kinakaharap nito sa Estados Unidos.

Facebook Comments