Ihihinto na ng Bureau of Immigration ang pagpapatupad ng paper-based departure cards simula sa May 1.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi Bureau of Immigration Spokesperson Dana Sandoval na kung dati, bago makaalis sa bansa ay dapat pang mag-fill up ng departure forms, ngayon ay kailangan na lang mag-log in sa etravel.gov.ph.
Dapat aniyang gawin ang pag-log in sa etravel.gov.ph 72 hours bago ang flight paalis o pabalik ng Pilipinas.
Sinabi pa ni Sandoval na mayroon silang nilabas na QR code para madaling ma-access ang website.
Nagbigay naman ng babala si Sandoval sa mga pasahero na maging maingat sa pag-log in sa website dahil marami ang naglipanang mga scammer na ginagaya ang website at humihingi ng bayad.
Nilinaw ni Sandoval na libre ang paggamit ng etravel.gov.ph.
Dapat lang aniyang i-type mismo ito sa website upang hindi mapunta sa fake sites na gawa ng mga scammer.
Giit pa ni Sandoval na sa paggamit ng etravel.gov.ph mas mapapadali ang biyahe paalis at pabalik ng bansa.