Manila, Philippines – Magpupulong sa Biyernes ang mga miyembro ng Judicial and Bar Council para talakayin ang mga detalye sa pagtanggap ng mga aplikasyon para sa chief justice post.
Kinumpirma ng JBC na sa ngayon , wala pa ring aplikante sa pagka-punong mahistrado.
Sa kabila ito ng nakatakdang pagtatapos ng deadline sa July 26.
Otomatiko namang pasok sa mga nominado sa pagka-punong mahistrado ang limang most senior associate justices ng Korte Suprema
Dahil magreretiro sa August 8 si Associate Justice Presbitero Velasco Jr. , kabilang sa mga otomatikong nominado para sa Chief Justice post sina Associate Justices Antonio Carpio, Teresita De Castro, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, at Mariano Del Castillo.
Sa July 26 ang deadline ng pagsusumite ng written acceptance ng nominasyon para sa magiging kapalit ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sa July 26 din ang deadline ng pag-file at pagkumpleto ng requirements ng mga aplikante.