PAPLANTSYAHIN NA | DOLE, isinasapinal na ang mga arrangement para sa MOU signing sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait

Manila, Philippines – Inaayos na ng Department of Labor and Employment (DOLE) upang maisapinal ang mga arrangement o yung mga pinakahuling detalye, para sa pormal na paglagda ng Pilipinas at Kuwait sa Memorandum of Understanding na una nang binalangkas ng dalawang bansa para sa kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, wala pang pinal na desisyon kung saan eksakto gaganapin ang paglalagda, na gagawin sa unang linggo ng Abril.

Matatandaang noong nakaraang Linggo, nang magkasundo ang dalawang bansa sa mga probisyong lalamanin ng MOU.


Kabilang dito ang pagkakaroon ng minimum na 400 dolyar na sahod para sa mga OFWs sa pamamagitan ng bangko at ang hindi pagkuha ng mga passport, mobile phones at iba pang gadgets ng mga OFWs.

Facebook Comments