
Welcome sa Malacañang ang pahayag ni Lithuanian Defense Minister Dovile Sakaliene, na isang gold standard ang documentation at pagri-report ng Pilipinas sa mga pangha-harass ng China sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nangangahulugan lamang ito na nakikita ng ibang bansa ang paninindigan ng Marcos administration na ipagtanggol ang teritoryo ng Pilipinas.
Masarap aniyang pakinggan mula sa isang banyaga ang paghangang ito sa ginagawa ng pamahalaan.
Ang masakit aniyang pakinggan ay ‘yung kapwa Pilipino, lalo na ang mga public servant pa ang tila walang paninindigan sa usapin sa WPS.
Mas malala pa aniya rito ang mga Pilipinong, kumu-kondena sa mga ginagawa ng administrasyon pagdating sa pagtatanggol sa karapatan ng bansa sa rehiyon.








